HILING NI MAYOR DY NA KARAGDANGAN MULTI-PURPOSE TRUCKS, NAIBIGAY

Walong barangay sa Lungsod ng Cauayan ang pinagkalooban ng bagong mga multi-purpose trucks ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Ang mga barangay na tumanggap ng tig-isang bagong multi-purpose truck ay kinabibilangan ng Brgy. San Fermin, District 1, District 2, District 3, Cabaruan, Alicaocao, Tagaran at Turayong.

Ipinasakamay ng pamahalaang panlalawigan ang mga nasabing trucks sa mga natukoy na barangay noong disyembre 19, 2022 na ginanap sa harap ng F.L. Dy Coliseum, Rizal Ave., Cauayan City, Isabela.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Governor Rodolfo “Rodito” Albano III at Cauayan Mayor, Caesar “Jaycee” Dy Jr.

Matatandaan na humiling si Mayor Dy sa pamahalaang panlalawigan ng karagdagang multi-purpose truck para sa mga natitirang walong barangay na hindi pa napamahagian sa Poblacion area.

Dahil dito, lahat na ng 65 barangay sa lungsod ay may sarili ng mga multi-purpose trucks.

Facebook Comments