Back to normal nang muli ang operasyon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center.
Kasunod ito nang tangkang pagtakas ng tatlong persons under police custody kahapon na nauwi sa pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima.
Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., kasabay nang pagbabalik sa normal na operasyon ng kanilang custodial facility ay kanila ring ire-recalibrate ang standard operating procedures para sa adjustment ng security protocols na papairalin sa pasilidad.
Layon aniya nitong matiyak na hindi na muling mauulit pa ang kahalintulad na insidente.
Maliban dito, nagpatupad narin ng reporma ang Pambansang Pulisya pagdating sa dalaw sa mga detainees, pagpapakain sa mga ito at ang pagkakaroon ng “buddy buddy system” ng mga pulis na maghahatid ng rasyon sa mga preso.