Health Sec. Francisco Duque, muling itinangging sangkot siya sa “Ghost Dialysis”

Itinanggi ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga alegasyong ipinupukol sa kanya ni Sen. Panfilo Lacson.

Matatandaang iginiit ni Lacson na sangkot ang kalihim sa ‘Ghost Dialysis’ controversy sa PhilHealth.

Ayon kay Duque, ginagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho.


Kakausapin ni Duque ang pangulo hinggil sa isyu.

Kaysa sa aksayahin ang oras sa panawagan ni Lacson na siya ay magbitiw, mas pinili ni Duque na tutukan ang dialysis issue at ipatupad ang Universal Health Care.

Iginiit din ng kalihim na wala siyang alam sa mga ibinabatong alegasyon ng Senador.

Una nang sinabi ni Lacson na may mas malaking expose siyang isisiwalat laban kay Duque.

Facebook Comments