PNP, hindi hahayaan ang mga private armed groups na makapaghasik ng kaguluhan sa nalalapit na 2025 midterm elections

Hindi makapapayag ang Philippine National Police (PNP) na makapaghasik ng takot o gulo ang mga private armed group sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson at PRO3 PBGen. Jean Fajardo kaya’t nagbigay ng ultimatum si PNP Chief PGen. Rommel Marbil sa mga regional directors na buwagin hanggang Marso ang lahat ng private armed groups at potential private armed groups.

Aniya, pwede kasing magamit sa panghaha-harass ng kandidato at mga botante ang mga private armed groups.


Kasama sa mahigpit na mino-monitor ng PNP ang tatlong active PAGS sa Regions 3, 7 at 9 at limang potential PAGS sa Regions 1, 2, CALABARZON, Region 8 at BARMM.

Paliwanag ni Fajardo, posibleng magdagdag ng pwersa ang Pambansang Pulisya sa mga lugar na nasa ilalim ng areas of concern upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang eleksyon 2025.

Facebook Comments