Bidding para sa cold storage, nagpapatuloy; maraming storage para sa mga magsasaka, inaasahan na —DA

Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na mas maraming cold storage ang magagamit na ng mga magsasaka.

Ayon kay Laurel, tuloy-tuloy kasi ang bidding upang maipatayo na ang mga cold storage at maiimbak ang mga ani ng mga magsasaka.

Paliwanag ng Kalihim na kabilang sa features ng mga cold storage ng DA ay ang mga solar power upang hindi na umasa sa linya ng kuryente at malaki ang matitipid.


Ang nasabing cold storage ay ilalagay sa labas ng lungsod upang malapit lang sa mga pagbabagsakan.

Dagdag pa ng Kalihim, aabot na sa P3-B ang pondo na inilaan ng DA para sa pagtatayo ng mga cold storage kung saan hindi lang ito sa Luzon nakasentro kundi maging sa iba pang panig ng bansa.

Base sa pag-aaral ng DA, umaabot sa 40% ng mga gulay ang nasisira sa pagbyahe pa lang mula sa mga probinsya patungo ng Metro Manila.

Giit ng kalihim na sa tulong ng mga cold stprage ay malaki ang mababawas sa “wastage” ng mga produktong Agrikultural.

Facebook Comments