PNP, magpapa-seminar sa mga gumagawa ng paputok

Kasunod ng nangyaring pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, Bulacan noong nakaraang linggo ay magsasagawa ang Philippine National Police (PNP) ng seminar sa mga manufacturer at dealer ng mga paputok.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, pangungunahan ng PNP-Firearms and Explosives Office ang pagbibigay ng refresher at orientation course sa mga negosyante ng paputok ngayong bwan.

Sesentro ito sa mga dapat sundin sa ilalim ng RA 7183 o Act Regulating the sale, manufacturing and distribution of firecrackers.


Samantala, sinabi naman ni Fajardo na nakatakda ring maglabas ng mga bagong guideline ang FEO kaugnay sa paggawa at pagbenta ng paputok para maiwasan na kahalintulad na insidente.

Facebook Comments