PNP nagsagawa ng election security adjustment para sa gaganaping midterm election

Bagamat hindi idinetalye kinumpirma ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na nagsagawa sila ng kinakailangang security adjustment para sa gaganaping midterm election sa May 13, 2019.

Ayon kay PNP Chief ang security adjustment ay ginawa nila dahil sa nalalapit na pagtatapos ng campaign period sa May 11 at paghahanda sa mismong araw ng eleksyon.

Paiigtingin nila ang security and law enforcement operation lalo na ang paghuli sa mga lumalabag sa nationwide election gunban, pagaresto sa mga Private armed groups, gun for hire syndicates at iba pang criminal organizations na may banta para manggulo sa gagawing midterm election.


Batay sa datos ng PNP, mahigit apat na libong mga COMELEC gunban violators ang kanilang naaresto, nakumpiska naman ang halos apat na libong baril, mahigit dalawang daang granada, 500 explosive device, 32,000 rounds ng live ammunition at mahigit mahigit isang libong deadly weapons.

Facebook Comments