Halos 500 courtesy resignations ng 3rd level officers ng PNP, nasala na ng 5-man advisory group

Lagpas na sa kalahating mga courtesy resignation ang nasala ng 5-man advisory group ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., hindi pa rin nila isinasantabi ang internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya kahit na madaming kaso ang tinututukan ngayon ng PNP lalo na ang serye ng pananambang sa mga elected official.

Aniya, ang nalalabing courtesy resignations ay sasalain sa mga susunod na pulong ng advisory group na napagkasunduang gawing dalawang beses sa kada isang linggo para mabilis na matapos.


Target ng advisory group na matapos ang vetting process bago ang 3-month deadline period.

Nabatid na umaabot sa 955 na mga koronel at heneral ang naghain ng courtesy resignation sa layuning linisin ang hanay ng PNP muls sa iligal na droga.

Facebook Comments