PNP-SAF, tumutulong na sa pagtugis sa BIFF na sumalakay sa Datu Piang, Maguindanao

145

Pinaalerto na ni Philippine National Police (PNP) Chief Pol. Gen. Debold Sinas ang PNP Special Action Force (SAF) para magbigay ng tactical support sa mga pulis ng PRO-Bangsamoro Autonomous Region na nagsasagawa ng hot pursuit operations laban sa mga miyembro ng BIFF na sumalakay sa Datu Piang, Maguindanao kagabi.

Sinabi ni PNP Chief, sasampahan ng kriminal na kaso ang mga bandido sa ginawa nilang pagsunog sa nakaparadang sasakyan ng PNP sa lugar.


Base sa monitoring ng PNP Command Center, 50 miyembro ng Dawla Islamiya at BIFF na pinamumunuan ng isang alyas Sala at Commander Karialan ang nanggulo sa munisipyo ng Datu Piang, Municipal Police Station at Sta. Teresita Catholic Church bago mag alas-diyes kagabi.

Agad silang tumakas nang dumating ang tropa ng gobyerno.

Maliban sa nasunog na patrol car, walang nang iba pang napinsala sa ginawang pag-atake.

Siniguro naman ni Gen. Sinas sa mga residente sa lugar ang pinaigting na security measures upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.




Facebook Comments