PNP, tiniyak ang pakikiisa ng kanilang pwersa sa Brigada Eskwela Project ng DepEd

Kasunod nang nalalapit na pagbubukas ng klase sa Aug. 22, siniguro ng Philippine National Police (PNP) na magde-deploy sila ng sapat na pwersa para makiisa sa Brigada Eskwela Project ng Department of Education (DepEd) maging sa simulation exercises.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasama sa inilabas nilang ‘Ligtas balik-eskwela’ operational guidelines ang pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa school authorities para sa posibleng banta sa seguridad tulad ng bomb threat, fire incident, earthquake at iba pang related scenarios.

Sinabi pa ni Azurin na makakaasa ang ating mga kababayan na sa pamamagitan ng programang “MKK=K” (Malasakit, Kaayusan, Kapayaan tungo sa Kaunlaran) sa tulong ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan (KASIMBAYANAN) ay patuloy ang pagseserbisyo ng Pambansang Pulisya hindi lamang bilang mga tagabantay at tagapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad kasama na ang kabataan, sa anumang oras at panahon.


Una nang sinabi ng opisyal na layon ng guidelines na matiyak ang peace and order gayundin ang public safety sa lahat ng mga paaralan, transportation hubs at places of convergence sa inaasahang pagdagsa ng mga mag-aaral sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments