Malay, Aklan – Binuksan na ang PNP Transient House at Barracks sa Sitio Bantud, Boracay, Malay, Aklan. Pinangunahan mismo ni Director for Comptrollership P/Major Gen. Jesus Cambay at Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Leo Francisco ang opening at blessing ng nasabing pasilidad. Ang nasabing pasilidad ay brainchild program ni Major General Cambay na dating Deputy Regional Director for Operation ng PRO6. Ayon kay PRO6 Spokesperson P/Major Mary Grace Borio, naging hamon sa mga kapulisan na idineploy sa isla ang tirahan ng ipinasara ang Boracay noong Abril 2018 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil kailangan nilang magrenta ng mahal na presyo para may titirahan. Dahil dito, nabuo ang plano na magpagawa ng titirahan para sa mga pulis na ma deploy sa isla. Natapos ang nasabing proyekto makalipas ang mahigit apat na taon sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kapulisan at mga stakeholders. Nagpasalamat naman ang PRO6 sa lahat ng mga tumulong para mabigyan ng katuparan ang nasabing proyekto.
via PRO-6
via PRO-6
Facebook Comments