Politika at trabaho, ilan sa mga motibong pinag-aaralan sa pamamaslang kay Dumaguete radio broadcaster Dindo Generoso

 

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang kaso ng pamamaslang kay Dumaguete radio broadcaster Dindo Generoso.

 

Ayon kay Police Regional Office (PRO-7) Regional Director Brigadier General Valeriano de Leon sa briefing sa Malakanyang, trabaho at politika ang ilan sa mga posibleng motibo sa krimen.

 

Developmental programs ng local government ang karaniwang paksa ng programa ni Generoso kaya’t hindi isinasantabi ng mga awtoridad na posibleng work-related ang pamamaslang.


 

Sa kasalukuyan, binabalikan at tinututukan na ng pulisya kung sino sino ang mga binangga o binanatan ng pinatay na radio brodkaster at yung mga posibleng makinabang sa pamamaslang dito.

 

Samantala, tiniyak naman ni BGen. De leon na tututukan nila ang lahat ng posibleng motibo sa krimen lalo’t alleged gambling Lord ang isa sa apat na suspek na si Tomacino Aledro.

 

Una nang iniharap sa media si Police Corporal Roger Rubio, active personnel ng Negros Oriental Provincial Mobile Force Company at itinuturong gunman.

 

Sumuko si Rubio sa kaniyang commanding officer nito lamang miyerkules.

Facebook Comments