Saturday, March 7, 2026

Pormal na kautusan para sa pagtitipid ng enerhiya, inilabas na ng Malacañang

Inilabas na ng Malacañang ang Memorandum Circular No. 114 na nag-uutos sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na higpitan ang pagtitipid sa kuryente at enerhiya sa kanilang mga tanggapan.

Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang mga ahensya ng national government, kabilang ang government-owned and controlled corporations (GOCCs), na magpatupad ng mga hakbang upang mabawasan ang paggamit ng kuryente at gasolina.

Kabilang dito ang pagtatakda ng aircon sa 24°C, pagpapatay ng ilaw at mga electronic device kapag hindi ginagamit, paggamit ng virtual meetings, at paglilimita sa official travel kung maaari namang isagawa online ang mga pulong.

Iniutos na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng flexible work arrangements, tulad ng compressed four-day onsite workweek o work-from-home setup.

Target ng pamahalaan na mapababa ng 10% hanggang 20% ang paggamit ng kuryente at fuel sa mga tanggapan ng gobyerno.

Nilinaw naman sa kautusan na hindi dapat maantala ang serbisyo sa publiko, lalo na sa mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng kalusugan, kaligtasan, at emergency response.

Facebook Comments