Halos naibabalik na sa maraming lugar sa Batangas, Masbate at Biliran ang suplay ng kuryente matapos itong hagupitin ng Bagyong Dante.
Base sa monitoring ng National Electrification Administration Disaster Risk Reduction and Management Department, sa Batangas na siniserbisyuhan ng Batangas II Electric Cooperative, Inc., o BATELEC II, naibalik na ang power supply sa Mabini, Alitagtag, Balete, Laurel, Malvar, Mataas na Kahoy, Talisay, Tanauan City, Lipa City, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, Taysan at Lobo.
Habang partially restored naman sa Cuenca at Tingloy.
Sa Masbate, naibalik na ang suplay ng kuryente sa Balud, Masbate City, Mobo, Cawayan, Mandaon, Uson, Aroroy, Milagros, at Baleno.
Ongoing naman ang restoration works sa Cataingan, Placer, Pio V. Corpus, Palanas, Esperanza at Dimasalang.
Sa Biliran, halos fully restored na rin ang kuryente sa mga minisipalidad doon. Gayunman, nasa lugar pa rin ang mga line worker dahil may ilang kabahayan pa rin ang walang kuryente dahil sa idinulot na pinsala ng bagyo.
Balik na rin sa normal ang power supply sa ilang lugar sa Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Western Samar, Eastern Samar, Northern Samar, at Leyte.