
Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang malaking rollback bukas, April 28, sa presyo ng diesel at kerosene.
Ayon sa DOE, 12.94 pesos kada litro ang rollback bukas sa diesel habang 15.71 sa kerosene.
Sa kabilang dako, magkakaroon ng 0.53 centavos kada litro na pagtaas bukas sa gasolina.
Tiniyak ni Energy Sec. Sharon Garin na may 54 na araw na reserba ng langis ang bansa.
Ayon kay Garin, kayang-kaya nitong tustusan ang mahigit 34-million liters kada araw na konsumo ng bansa sa diesel at 24.631-million na konsumo sa gasolina per day.
Facebook Comments










