Wednesday, April 22, 2026

DAGUPAN BETS, NAGNINGNING SA NSPC 2026

Ipinagmalaki ng Dagupan City at ng buong Ilocos Region ang husay ng dalawang kinatawan mula sa Dagupan City National High School matapos silang magtagumpay sa National Schools Press Conference 2026 na ginanap sa Ormoc City.

Kinilala si Dennis A. Solis bilang Outstanding School Paper Adviser, habang itinanghal naman si Aldrey B. De Vera bilang Outstanding Campus Journalist, na kapwa nanguna sa larangan ng campus journalism sa buong bansa.

Ang kanilang tagumpay ay sumasalamin sa husay, disiplina, at dedikasyon ng mga guro at mag-aaral sa Dagupan, at patunay ng patuloy na pag-angat ng kalidad ng edukasyon at pamamahayag sa rehiyon.

Itinuturing itong isang makasaysayang sandali para sa lungsod, na muling nagpakita ng galing ng mga Dagupanenyo sa pambansang entablado.

Ipinarating naman ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagbati kina Solis at De Vera sa pagdadala ng karangalan sa lungsod at sa rehiyon, at sa pagiging inspirasyon sa kapwa kabataan at mga guro na patuloy na magsikap at magtagumpay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments