
Arestado ang isang 35-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong theft sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Poblacion Central, Sison, Pangasinan noong Abril disi-otso (18) ,2026.
Ayon sa ulat, isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Sison Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal Circuit Trial Court ng Pozorrubio-Sison, Pangasinan.
Matagumpay na naaresto ang akusado at kasalukuyang nasa kustodiya ng Sison MPS para sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso.
Ipinahayag ng kapulisan na ang nasabing operasyon ay bahagi ng kanilang patuloy na kampanya laban sa kriminalidad, na naglalayong ipatupad ang batas at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










