
Aabot sa mahigit ₱11 milyon ang halaga ng marijuana plants na nai-dispose ng Philippine National Police (PNP) simula April 19 hanggang April 25 sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa isinagawang drug eradication operations ng mga operatiba sa 16 plantation sites sa mga upland area, nadiskubre at agad na nai-dispose ng mga operatiba ang 18,520 grams na fully grown marijuan plants at 61,470 grams ng dried marijuana.
Ayon kay Chief PNP, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ipagpapatuloy nila ang pagtugis at paglaban sa operasyon ng mga ipinagbabawal na droga.
Habang hinimok naman ni Nartatez ang publiko na huwag magdalawang isip na magsumbong sa awtoridad kung may makitang kahina-hinalang aktibidad.
Facebook Comments










