PRC, blangko kung kailan ulit magbabayad ng utang ang PhilHealth

Nilinaw ng Philippine Red Cross (PRC) na wala pang kaliwanagan kung kailan ulit magbabayad ng natitirang balanse ng kanilang utang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kahapon nagbayad ng 500 milyong piso ang PhilHealth bilang kabawasan sa kanilang kabuuang utang na 1.1 bilyong piso.

Paliwanag ni PRC Secretary General Elizabeth Zaballa, hindi umano nakalagay ang petsa kung kailan sila susunod na magbabayad, pero nakasaad dito na hihingi muna sila ng “Post-Facto Approval” kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Samantala, sumulat na ang Philippine Red Cross sa PhilHealth para bayaran na nila ang natitirang utang nang makapag-simula na ang ahensya na paikutin ang pondo para sa COVID-19 tests, kung saan balik na ulit sila sa pagsasagawa ng test sa mga Overseas Filipino Workers at mga miyembro ng PhilHealth.

Facebook Comments