Preso sa dipolog city jail, patay dahil sa sakit

201

Dipolog City: Namatay ang isang 35-anyos na preso nang dinala sa pagamutan matapos atakihin ng kanyang ubo na may kasamang pagsusuka ng dugo sa loob ng selda sa dipolog city jail, kahapon ng umaga.

Kinilala ang inmate na si Eugene Hinalas Esoler, residente ng purok mangga, quezon st, bayan ng molave, zamboanga del sur.

Sa panayam ng dxdr rmn dipolog kang SJO2 Reymar Del Valle, Jail officer ng dipolog city jail, sinabi nito dakong 10:45 ng umaga si Esoler natuklasan nalamang ng kanyang kakusa sa loob ng comport room sa selda no.7 na dumodugo ang ilong at bibig nito.


Agad naman nilang isinugod ito sa zamboanga del norte medical center sa barangay sicayab, subalit idineklarang patay ni Dr. Kan Nagashima M.D, dahil sa cardiopulmonary arrest probably secondary to cardiogenic shock with acute gastrointestinal bleeding dakong 11:20 ng umaga.

Napagalaman na si Esoler ay may kasong paglabag sa section 5 at section 11 sa RA 9165, matapos itong nahuli sa isang buy bust operation nitong buwan ng abril at ikinulong ito sa dipolog city jail.(rm)

Facebook Comments