Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglalagay ng Suggested Retail Price (SRP) sa manok.
Base kasi sa monitoring ng ahensya, maraming retailer ang hindi sumusunod sa tamang presyo ng manok base sa farm gate price nito.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo – sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng mas matibay na dahilan para kasuhan at ipakulong ang mga retailer na hindi susunod sa SRP.
Sa usapin naman ng bigas, sinabi ni Castelo na pababa na ang presyo nito dahil nagsimula na ang harvest season.
Patuloy ding binabantayan ng DTI ang presyo ng baboy at gulay sa mga palengke gayun din ang presyo ng mga construction materials tulad ng semento at bakal.
Muli rin namang tiniyak ni Castelo na walang mangyayaring paggalaw sa presyo ng ilang basic goods and prime commodities hanggang December 1 base na rin sa “3-month price hold off” na napagkasunduan ng DTI at ng mga manufacturer.