Prince Charles, kinilala ang kontribusyon ng Filipino frontliners sa United Kingdom

Pinuri ni Prince Charles ang mga Pilipino na medical frontliner sa United Kingdom na lumalaban para sugpuin ang COVID-19 pandemya.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Prince Charles na nakatulong ang pandemya para sa mas magandang pondasyon ng UK at ng Pilipinas.

“To these wonderfully selfless people I wanted to offer my most heartfelt gratitude for the outstanding care and comfort you give to your patients. You have made a truly remarkable contribution to the health and well-being of so many people across the country at such a difficult time.”


Ang mensahe ni Prince Charles ay kasabay sa pagdiriwang ng ika-75 ng diplomatic relations ng UK at ng Pilipinas.

Nabatid na isa ang Pilipinas sa mga makikinabang sa ipamamahaging COVID-19 vaccine ng UK sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Facebook Comments