Priority list sa pagpapabakuna, dapat sundin at iwasan muna ang magpa-VIP

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na mahalagang masunod ang priority list sa vaccine rollout kung saan una ang healthcare workers.

Pero ayon kay Go, hindi ito makakamit kung may mga sumisingit sa listahan at nagpapa-VIP (very important person).

Binigyang diin ni Go na hindi dapat unahan na mabakunahan ang mga healthcare workers dahil ito aniya ang paraan para masiguro na hindi babagsak ang healthcare system ng bansa.


Nilinaw naman ni Go na hindi niya pinatatamaan ang mga local chief executive na nagpabakuna na para mahikayat ang kanilang constituent na magtiwala sa bakuna.

Sinabi ni Go na naiintindihan niya ang sitwasyon ng mga alkalde gayundin ang sentimiyento ng nasasakupan ng mga ito.

Pero diin ni Go, ang mga healthcare workers ang isinabak sa giyera kontra COVID-19 kaya naman dapat sila ang dapat unahin na mabigyan ng proteksyon.

Facebook Comments