Kalibo, Aklan – Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa Aklan ay nagsagawa na ng emergency Provincial Inter-Agency Task Force Meeting kahapon, Hulyo 18 ang gobyerno provincial ng Aklan sa pangunguna ni Aklan Governor Joen Miraflores. Dinaluhan rin ito ng mga Municipal Mayors, Health Officers at iba pang mga health partners. Sa ngayon ang Provincial Health Office Aklan (PHO) ay nakapagtala na ng 275 na kaso sa probinsya at may dalawang namatay. Ang mga bayan sa Aklan na merong may mataas na kaso ay ang Ibajay na may 61, Nabas 52, Kalibo, 35, Malay 33 at Buruanga na may 15. Ayon kay Dr. Leslie Ann Sedillo, Provincial Health Officer II na karamihan sa kaso ay sa mga kabataan na nasa edad 1-10 taong gulang. Sinabi rin nito na ang mga kaso ay madaling maiwasan sa pamamagitan ng pagasawa ng 4S strategy. Pinaalalahanan rin nito ang mga LGUs na maghanda sa outbreak sa pamamagitan ng pagpapatupad ng clean-up drives sa mga barangay, pagtalaga ng hydration units sa LGU, siguraduhin na available ang mga medical supplies kapareho ng IV sets, fluids, blood tests at dengue test kits. Magpapalabas rin ng executive order at policy guidelines si Governor Miraflores para masigurado na ang lahat ng LGUs ay ipinatutupad ang lahat ng mga mahahalagang aksyon para mapigilan ang lalong pagkalat ng dengue sa probinsya.
Facebook Comments