Produksyon ng Gulay sa Maguindanao mas pinapalakas!

Hinihimok ngayon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang bawat Local Government Unit ng lalawigan na hikayatin ang kani-kanilang mga kababayan ng magtanim ng gulay.

Itoy kasabay na rin ng wala pang kasiguraduhan kung kelan muling manunumbalik ang normal na sitwasyon dahil sa krisis na dulot ng Covid-19 Pandemic.

Iba na rin aniya kung handa ang bawat pamilya na may mapagkukunan ng makakain sa panahon ng kagipitan giit ni Governor Bai Mariam.


Kesa umasa ng umasa sa gobyerno , matuto rin aniyang tumulong sa pamahalaan ngayong nahaharap tayo sa kalamidad kahit man lang sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay, hamon pa ni Gov Bai Mariam sa kanyang mga kababayan.

Kaugnay nito, available na rin aniya ang mga vegetable seedlings at sa katunayan ay nakapagsimula na rin silang makapamahagi nito sa mga magsasaka ng ilang bayan.

Sa Maguindanao, ilang bayan na rin ang nakapagsimula sa inisyatiba ng Gobernadora kabilang na rito ang bayan ng Datu Abdullah Sangki at Datu Anggal Midtimbang.

Bukod sa gulay, mas pinapalakas din ng Maguindanao Government ang production ng palay ngayong panahon.

Sinisimulan na rin ang poultry production maging ang ilan pang Farm Animal Production.

Samantala sa Coastal Area ng probinsya, patuloy na lumalakas ang fishing industry kabilang na ang tone -toneladang suplay ng isda na nagmumula Datu Blah Sinsuat.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments