Jones, Isabela- Inumpisahan na ng PNP Jones ang pagpapasuko ng mga baril sa kanilang bayan bilang maagang paghahanda sa nalalapit na filling of candidacy ng mga tatakbong kandidato sa darating na Oktubre.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Chief Inspector Rex Pascua, ang hepe ng PNP Jones sa naging talakayan sa programang Sentro serbisyo ng RMN Cauayan kahapon, Hulyo 28, 2018.
Una rito ay nagpalabas umano siya ng kautusan na dapat lahat ng mga may hawak nab aril na may pasong dokumento ay dapat pansamantala munang isuko at ipasakamay sa kustodiya ng PNP Jones habang inaayos ang mga dokumentong kaylangan.
Aniya, mula umano noong buwan ng Hunyo hanggang sa kasalukuyan ay mayroon ng naisukong dawampu’t tatlong iba’t-ibang kalibre ng baril nap ag-aari ng ilang mga residente sa kanilang bayan.
Dagdag pa niya, wala din umanong lusot ang mga residenteng may mga baril na ayaw ipasakamay sa kapulisan dahil hawak umano nito ang listahan ng pangalan ng mga nagrehistro ng baril.
Samantala, nakatakda din umano nilang aksyunan ang mga residenteng may mga itinatagong baril na walang lisensya at handa nilang kumpiskahin ang mga ito habangipinagmalaki pa ni PCI Pascua na ang mga residente umano sa bayan ng Jones ay masunurin sa mga batas na ipinapatupad sa naturang bayan.