PROGRAMANG HAPAG SA BRGY PROJECT, AARANGKADA SA DAGUPAN CITY

Aarangkada ang programang HAPAG o ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lungsod ng Dagupan.
Alinsunod dito ang paghikayat ng alkalde sa mga mag-aaral ng mga paaralan sa lungsod na magtanim ng mga gulay maging sa kani-kanilang mga tahanan.
Ilan sa mga binhing gulay na ipapamahagi upang maitanim ay ang ampalaya, talong, okra, kamatis upo, kangkong at pechay at iba pa.

Samantala, ang HAPAG ay may layong masustentuhan ang adhikain ng nasyonal na gobyerno na food security na siyang sisiguro sa sapat na suplay ng mga pagkaing makatutulong sa lahat. |ifmnews
Facebook Comments