GINANG SA MANGATAREM, PATAY MATAPOS TAMAAN NG KIDLAT

Hindi nakaligtas sa kidlat ang isang ginang sa bayan ng Mangatarem matapos itong tamaan na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ang biktima ay nakilalang si Myrna Soriano residente ng Brgy. Tococ Barikir sa nasabing bayan.
Naganap ang insidente sa lugar ng biktima habang nasa bukid ito kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan pasado alas kwatro ng Hapon.

Sumilong pa ang biktima sa isang puno ng Mangga subalit sa di inaasahan ay bigla umanong kumidlat at tinamaan ito.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang Dead on Arrival.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga otoridad kaugnay sa ibayong pag iingat lalo kapag umuulan at may tyansa ng mga pagkidlat. |ifmnews
Facebook Comments