Wednesday, November 25, 2026

DAGUPAN CITY, PINARANGALAN NG DOH ILOCOS MATAPOS LUMAMPAS SA TARGET ANG MEASLES-RUBELLA VACCINATION

Kinilala ng Department of Health (DOH) Ilocos Center for Health Development ang Dagupan City matapos makapagtala ng 124.58 percent vaccination coverage ng 2026 Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA).

Ginawaran ang lungsod ng Certificate of Recognition bilang pagkilala sa mahusay na performance, commitment at kontribusyon nito sa naturang kampanya.

Batay sa ulat, lumampas ang lungsid sa vaccination target nito.

Ayon sa lungsod, mula ito sa pagtutulungan ng City Health Office, barangay health workers, mga magulang at komunidad na nagbakuna sa mga target na bata.

Ang MR-SIA ay aktibidad ng pagbabakuna laban sa tigdas at rubella upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit.

Ibinase ang pagkilala sa naitalang vaccination coverage ng lungsod na 124.58 percent sa isinagawang supplemental immunization activity. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments