PROTEKSYON NG MIGRATORY BIRDS SA SAN JUAN, LA UNION, IGINIIT

Nag-abiso ang Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau at lokal na pamahalaan ng San Juan, La Union na agad ipagbigay-alam sa awtoridad ang matatagpuang walang buhay o may sakit na ibon sa iba’t-ibang bahagi ng wetlands sa bayan.

Ito ay matapos ang pormal na pagsisimula ng taunang southward migration o paglipat ng mga ibon na kadalasan ay pansamantalang namamahinga sa mga wetlands tulad ng bakawan, ilog, gubat o sa mga coastal areas.

Ang pag-ulat ay bahagi umano ng pakikiisa ng publiko sa hangarin na maprotektahan ang mga species ng ibon at kanilang tirahan na sumasalamin din umano sa proteksyon ng kalikasan.

Maaaring I-report ang anumang insidente sa DENR Regional Office 1 at San Juan PNP sa mga numero 0939-249-3306 at 0915-855-6712. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments