Provincial Director ng TESDA Negros Occidental, pinagbabaril

130

Negros – Sugatan ang Provincial Director ng TESDA Negros Occidental na si Julius Sol Jamero matapos pagbabarilin kagabi habang sakay ng kanyang SUV na sasakyan ng hindi pa nakilalang suspek at hindi pa matukoy na motibo pasado alas-7 kagabi.

Ayun kay Talisay City Chief of Police Psupt. Adonis Rosales may tama ng bala sa kanyang dibdib, braso at ilang parte ng kanyang katawan at patuloy na ginagamot sa isang pribadong ospital sa Bacolod si Jamero.

Sa imbestigasyon ng Talisay PNP isa taong nakasuot ng itim na damit ang pumara sa sasakyan ni Jamero at saka itong pagbabarilin sa Rafael Lacson –Magsaysay St. Talisay City.

Narekober ng mga otoridad ang basyo nga 45 caliber pistol.

Facebook Comments