Davao City – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na itatambak ang mga basura ng Canada sa mga beach nito.
Ito ay kapag nabigong kunin ng Canada ang mga container ng basura nila sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa Palarong 2019 sa Davao City, iginiit ni Pangulong Duterte sa Canada na hindi tapunan ng basura ang Pilipinas.
Dagdag pa ng Pangulo – hindi ‘scavenger’ ang mga Pilipino.
Bago ito nagbanta na ng giyera ang Pangulo sa Canada kapag hindi babawiin ang mga basura nito sa Pilipinas.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang Canada sa mga lokal na pamahalaan para sa ‘timely resolution’ para maialis ang mga tonel-toneladang basura mula sa Pilipinas.
Facebook Comments