PSA: Bilang ng walang trabaho, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga walang trabaho batay sa Labor Force Survey April, 2023 ng Philippine Statistic Authority o PSA.

Ayon kay Usec. Dennis Mapa, national statistician at civil registrar general, naitala sa 2.26 million ang bilang ng mga walang trabaho o negosyo noong April, 2023.

Paliwanag ni Mapa, naitala naman sa 4.5 percent ang unemployment rate noong April, 2023.


Dagdag pa ng opisyal na mas mababa ito sa 2.37 million na walang trabaho o negosyo noong January, 2023 at mas mababa rin ang bilang na ito sa 2.76 million na unemployment noong April, 2022.

Kabilang naman sa sektor ng nagmula ang mga walang trabaho ay ang agriculture at forestry kagaya ng mga nagtatanim ng mais at saging, manufacturing, mula sa semiconductor devices and other electronic material, printing, at construction; buildings, complete residential and non-residential.

Facebook Comments