PUBLIC FORUM AND INTERVIEW PARA SA 2026 GAWAD PARANGAL PARA SA PINAKANATATANGING MAG-AARAL NG PANGASINAN STATE UNIVERSITY, GINANAP

Isinagawa ng Pangasinan State University ang isang Public Forum and Interview para sa susunod na kikilanin bilang isang pinakanatatanging mag-aaral ng kanilang institusyon ngayong taong 2026.


‎Isinusulong nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na bumoses, isang mahusay na lider, maipahayag ang kanilang mga opinyon, responsibilidad sa unibersidad at sa kumunidad, at pagiging maalam at may pakialam sa mga napapanahong isyu at suliraning kinakaharap ng bansa.

‎Sa naganap na forum, siyam na representative mula sa siyam na campus ang nakipatalastasan at nagpahayag ng kanilang mga adbokasiya at tingin nila’y makatutulong sa pag-angat ng iba’t-ibang sektor ng komunidad sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakabatay sa mga napapanahong isyu at sitwasyon sa bansa.

‎Ang Gawad Parangal para sa mga Natatanging Mag-aaral ng PSU ang pinakamataas na parangal para sa natatanging mag-aaral ng nasabing unibersidad kung saan taunang iginagawad sa mag-aaral na nagpapakita ng natatanging pagganap sa akademiko; mahusay na pamumuno; aktibong pakikilahok sa mga gawaing pang-cullicular at extra-cullicular; kontribusyon sa komunidad at nation-building; at mga katangiang sumasalamin sa isang huwarang PSUnian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments