Sa ginanap na Convergence Meeting at Mid-Year Assessment sa ilalim ng Masagana Rice Industry Development Program o MRIDP noong Hulyo 7 hanggang 8, tinalakay ng National Irrigation Administration ang mga hakbang upang mapabuti ang irigasyon, habang nagbigay naman ng update ang National Food Authority sa pagbili ng palay at buffer stocking.
Ibinahagi rin ng Philippine Crop Insurance Corporation ang kahalagahan ng crop insurance sa pagprotekta sa mga magsasaka laban sa pagkalugi dulot ng kalamidad at iba pang panganib sa produksyon.
Samantala, inilahad ng Agricultural Training Institute ang mga programa sa pagsasanay at paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapataas ang ani at mapaunlad ang pamamahala sa sakahan.
Nagsilbi rin ang aktibidad bilang mid-year assessment ng Rice Banner Program upang suriin ang mga programa at tukuyin ang mga hakbang para higit pang mapalakas ang suporta sa mga rice farmer sa rehiyon.
Sa isinagawang open forum, aktibong nagbahagi ng mga isyu, karanasan, at mungkahi ang mga kalahok upang higit pang mapabuti ang koordinasyon ng mga implementing agencies at mapalakas ang paghahatid ng mga suporta at serbisyo sa mga magsasaka ng palay sa Ilocos Region. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








