Publiko, hindi pa rin dapat makampante sa kabila ng pagbaba sa Alert Level 1 ng ilang lugar sa bansa ayon kay Legarda

Hindi pa rin dapat magpabaya ang publiko laban sa COVID-19.

Ito ang paalala ni House Deputy Speaker at 3-term Senator Loren Legarda kahit nasa Alert Level 1 na lamang ang Metro Manila at 38 pang lugar sa bansa.

Sabi ni Legarda, dapat pa ring maabot ng bawat lugar ang kahit 80 porysento ng mga senior citizens na bakunado kontra COVID at 70 porsyento naman sa kanilang buong populasyon.


Kasunod nito, ikinatuwa ni Legarda ang mataas na bilang ng mga nabakunahan na sa bansa pero kinakailangan pa ring mapataas ang vaccination rate lalo na’t marami pa rin ang hindi bakunado.

Dagdag pa ni Legarda, bilang may-akda at sponsor ng panukalang batas na “better normal bill” ay umaasa siyang maipapasa na ito upang mapaigting pa ang ating COVID-19 response at ang pagbangon ng bansa.

Facebook Comments