Pulis, arestado sa iligal na tupada sa QC

Manila, Philippines – Sinibak na sa puwesto ang isang aktibong pulis matapos salakayin ng PNP Counter Intelligence Task Force ang isang iligal na tupada sa Brgy. Old Capitol Site, Quezon City.

Kinilala ang naarestong pulis na si SPO1 Jefer Sy Butawan, nakatalagang desk officer ng QCPD Station 9.

May tatlong iba pang sibilyan na hinuli pero hindi muna pinangalanan ng mga otoridad.


Nauna rito,sinalakay ng mga operatiba ng PNP-CITF ang isang sabungan sa brgy. old capitol site matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa isang barangay kagawad
na may ginaganap na ilegal na tupada sa lugar tuwing sabado at linggo na pinapatakbo umano ng nabanggit na pulis

Itinanggi naman ng misis ng pulis na magooperate ito tupada dahil hindi naman ito nagsusugal.

Sinibak na rin sa pwesto ni QCPD Station 9 Commander PSupt. Alex Alberto ang hepe ng kanilang investigation section na si PInsp. Felipe Tumibay kasunod ng insidente.

Nasa custodiya na ng PNP CITF ang pulis Habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments