Pulis na inireklamo ng pagpapaputok ng baril sa Cagayan de Oro, nagpositibo sa paraffin test

Nagpositibo sa paraffin test ang isang pulis na inireklamo ng panununtok at pagpapaputok ng baril noong nakaraang linggo sa Barangay Gusa dito sa Cagayan de Oro.
Ito ang kinumpirma ni Agora Police Station Commander Police Chief Inspector Allan Curato sa interview ng dxCC-RMN.
Ayon kay Curato na nagbigay na rin sila ng report sa Cagayan de Oro City Police Office o COCPO hinggil sa naturang resulta kung saan kumpirmadong nagpaputok ng armas si PO3 Zosimo Haclad Jale ng City Public Safety Company.
Samantala ayon naman kay COCPO Spokesperson Mardy Hortillosa na nasa floating status ngayon si Jale.
Una nang inihayag ni Hortillosa na binawian na nila ng armas ang naturang pulis at mahaharap sa kasong administratibo kung mapapatunayang nagpaputok ito ng baril.
By: RadyoMaN Annaliza Amontos-Reyes

Facebook Comments