Pulis sa Cauayan City, Aksidenteng Nakabaril, Biktima-Patay!

Cauayan City, Isabela – Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos na aksidenteng mabaril ng pulis kagabi (December 8, 2018) sa Brgy. Naganacan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Darwin Pascua Dumrique, 40 taong gulang, may asawa habang ang pulis ay si Mikael Nantes Joaquin, 26 taong gulang at nakatalaga sa 201st Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion na nakahimpil sa Nagtipunan Quirino at pawang residente ng nasabing lugar.

Sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office, habang ang biktima kasama ang kaniyang mga kamag-anak na nag-iinuman ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan nina Dumrique at ang nagngangalang Marlon Dela Cruz.


Sa pagkakataong ito ay kinuha naman ng suspek ang kaniyang baril na caliber 45 mula sa loob ng kaniyang kwarto at nagpaputok bilang warning shot para tumigil sa away ang dalawa ngunit aksidenteng natamaan ang kaniyang hita.

Dahil dito ay sinugod ng mga kamag-anak ng biktima ang pulis at pinagtulungang bugbugin at dahilan naman na nagpaputok ang suspek.

Aksidenteng tinamaan ang tiyan ng biktima kung saan ay dinala agad ng kamag-anak nito sa Cauayan District Hospital ngunit binawian ito ng buhay habang ang suspek ay itinakbo naman ng Rescue 922 sa isang pribadong pagamutan at nagpapagaling na hanggang sa ngayon.

Narekober naman ng mga tauhan ng PNP Cauayan City ang apat na basyo ng bala ng caliber 45 sa pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments