PUMALAG | Anne Curtis, dumipensa sa pagkakadawit ng kaniyang asawa sa kontrobersyal na Buhay Carinderia

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Anne Curtis ang husband nitong si Erwan Heussaff matapos madawit ang pangalan nito sa Buhay Carinderia Program ng Department of Tourism (DOT).

Si Erwan ay pinili bilang content creator ng isang marketing company, na siyang naatsan na gumawa ng mga video na magpo -promote ng local eateries.

Say ni Anne, walang kinalaman ang kaniyang asawa sa kontrobersiyang ito at ang nais lamang daw ni Erwan ay ang mai-promote ang pagkaing Pilipino.


Payo ngayon ni Anne sa kaniyang mister, “basta you know where your heart is, you don’t have to worry about it.

Matatandaan na maingay ngayon ang Buhay Carinderia Program ni dating Tourism Promotions Board Chief Cesar Montano, matapos umanong ilabas ang 80 million pesos na budget ng programa kahit di pa man ito nagsisimula.

Facebook Comments