Manila, Philippines – Umalis na ang mahigit 500 pwersa ng MPD mula sa MPD Headquarters patungong Mendiola upang alalayan ang kanilang mga kasamahang pulis na binabantayan ang mga sangkaterbang mga militanteng grupo sa Mendiola.
Ayon kay Bayan Secretary Renato Reyes Jr ipagpatuloy nila sa Mendiola ang naudlot nilang programa sana sa PICC at US Embassya matapos silang harangin ng mga pulis at nagkaroon pang sakitan ng magbatuhan ng mineral waters, tulakan at pambobomba ng water cannon.
Mula Liwasang Bonifacio naglakad ang mga Militanteng grupo patungo Mendiola na lumikha ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Quezon Blvd dahil sa libo libong mga rallyista na nagsagawa ng kilos protesta.
Paliwanag ni Reyes nais nila iparating sa Duterte Administration na hindi sila titigil sa pagkakalampag hanggat hindi nagbago ang pananaw ng Administrasyon tungkol sa pagiging tuta umano ng Amerika.
Giit ni Reyes hindi sa kanilang hanay magsisimula ang kaguluhan dahil mahigpit umano ang kanilang tagubilin sa mga rallyista na huwag maudyok ng anumang kaguluhan upang maiwasan na magkasakitan ang magkabilang panig.