Qatar – Binuksan ng Qatar ang kanilang “Visa Free Entry Program” sa walumpung bansa sa kabila ng pag-ban ng Arab country dahil sa diplomatic crisis.
Ayon kay Interior Ministry Official Mohamed Rashed Al-Mazrouei – sakop ng kanilang visa exemption program ang European Union’s Schengen Zone, western states, latin american at mga bansa sa asya kasama ang Pilipinas.
Ibig sabihin, pwedeng manatili ang mga mamamayan ng kasama sa visa free program ng isa hanggang anim na buwan sa Qatar.
Layon ng Qatar na palakasin ang turismo sa kabila ng boycott ng mga Arab countries na pinangunguhana ng Saudi Arabia dahil umano sa pagsuporta sa mga grupo ng terorista.
Sa Qatar gagawin ang 2022 World Cup.
Facebook Comments