QC-LGU, hindi inalis na bagong COVID-19 variant ang dahilan ng muling pagsipa ng impeksyon sa lungsod

Hindi inalis ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit na posibleng ang mga bagong variant ng COVID-19 ang dahilan ng pagsipa ng mga bagong kaso sa lungsod.

Ginawa ni Dr. Rolly Cruz, tagapamuno ng CESU na batay sa kanilang tala, ang average daily new cases sa lungsod ay nasa 149 mula Feb. 25, 2021 hanggang March 4, 2021.

Ipinapadala na ng CESU ang mga sample sa Philippine Genome Center upang malaman kung anong variant ng COVID-19 nasa likod ng tumataas na kaso ng infection.


Nilinaw naman ni Cruz na di pa naman maituturing na 2nd wave ang mangyayari sa lungsod.

Ito’y malayo kung ikukumpara noong kasagsagan ng pandemya na naitatala ang 500 COVID-19 cases kada araw.

Facebook Comments