QCPD, magpapakalat ng 450 na mga pulis upang magbantay sa pagbubukas ng klase sa Lunes, June 16

Nakahanda na ang Quezon City Police District (QCPD) para tiyakin ang seguridad ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng mga paaralan sa lungsod ng Quezon.

Aabot na 450 police personnel ang ide-deploy sa iba’t ibang paaralan sa lungsod sa Lunes.

Naglagay na rin ang QCPD ng 43 police assistance desk sa mga estratihikong lugar sa lungsod malapit sa mga eskwelahan upang matiyak ang presensya ng mga pulis malapit sa mga school.

Ayon kay PLtCol. Vicente Bumalay, OIC Deputy District Director ng QCPD, nakahanda na ang kapulisan upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng mga mag-aaral, guro at magulang.

Partikular na ide-deploy ang 450 police personnel sa may 234 private at public school sa buong Quezon City.

Aabot sa 500,000 na mga estudyante mula sa private at public school ang inaasahan papasok sa darating na school opening.

Facebook Comments