Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nabiktima ng cybercrime sa bansa nitong Setyembre.
Base sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), 7.2% ng pamilyang Pilipino ang nagsabing nabiktima sila ng online krimen gaya ng hacking, scam at cyberbullying na record-high kumpara sa 3.7% nitong June 2024.
Lumabas din sa pag-aaral na 6.1% ng mga Pinoy ang nakaranas ng pangkaraniwang krimen gaya ng pandurukot, panloloob, carnappping at pananakit nitong nakalipas na anim na buwan.
Mas mataas ito kumpara sa 3.8% noong Hunyo.
Samantala, nasa 56% naman ang nagsabing takot sila sa burglary o iligal na pagpasok sa isang lugar o establisyimento upang gumawa ng krimen, habang 48% naman ang natatakot pa rin na maglakad nang mag-isa sa kalsada tuwing gabi.
Nasa 41% din ang nagsabing may mga drug addict sa kanilang lugar.
Isinagawa ang survey nitong September 14 hanggang 23, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na adult Filipinos.