Mahilig tayong tumingin sa panlabas na katangian, o talino sa tuwing magkakagusto tayo sa isang tao pero narito ang ilang qualities na maiging tignan kung naghahanap ka na ng isang partner:
Openness
Isang sa mga pangunahing quality na dapat na mayroon kayo ng iyong partner ay ang pagiging open sa isa’t isa. Hindi masama na ipakita mo ang mga kahinaan mo. Sa katunayan ang pagrecognize at pagtanggap sa mga ito ay nagpapalakas sa iyo. Kung ang partner mo ay tunay na mahal ka, matatanggap niya rin ang mga kahinaan mo na ito at malalaman mo lang yan kung magiging open ka.
Ang pagiging open niyo sa isa’t isa ay makakatulong din para mapansin kaagad ang mga conflict na maaari pang mas lumala kung hahayaan nalang.
Maturity
Sa lahat ng pagsasama importante na mature ang mga taong involve. Hindi lang ang hindi pagiging isip bata ang ibig sabihin ng maturity. Kapag ang isang tao ay mature, hindi na niya maiidamay ang past experience sa kanyang mga dating relasyon. Mas sensitive na siya sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi niya ibabaling sa iba ang mga pagkukulang niya at aakuhin niya ang mga kasalanan niya. Sa halip, ang mga taong matured ay naghahanap ng mga taong mamahalin, papahalagahan kahit ang kapartner nila ay may pagkukulang din sa kanila
Katapatan at Integridad
Kahit naman sa normal na pamumuhay natin ay imporante ang pagiging dangal natin. Maraming relasyon ang nasisira dahil sa selos at panloloko. Ang isang ideal na relasyon ay kapag ang magkapartner ay alam sa sarili nila na hindi mangangaliwa ang kanilang kapartner. Kung magawa man magkasala ng kahit sino sa relasyon, tiwala rin sila na aamin ito at tiwala rin naman ang nagkasala na maiintindihan at patatawarin siya ng kapartner niya.
Empathy
Ang ideal partner ay nakikita ang kanyang karelasyon sa intelektwal at emosyonal aspeto. Maiintindihan niya at mararamdaman ka niya. Kapag pareho kayong may empathy ay ikatutuwa niyo ang mga pagkakatulad niyo at maiintindigan ang mga pagkakaiba ninyo. Sa ganitong paraan, mas masasabi ang mga bagay na gusto mong sabihin sa kanya at maiiwasan ang mga misunderstandings.
Affection
Ang pinakaimportanteng katangian ng isang partner syempre ay yung taong laging ipaparamdam sa ‘yo ang init ng pag-ibig physically, emotionally at verbally. Siyayung taong ipapadama sa ‘yo ang lambing at ang ligaya ng pamumuhay ng may taong nagmamahal sa ‘yo.
Article written by Albert Soliot
Facebook Comments