Binuksan na muli sa publiko ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Maynila matapos isara ng dalawang linggo dahil sa COVID-19.
Lilimitahan lamang sa 30% ang kapasidad ng mga papayagan makapasok sa simbahan habang 50% naman ang outdoor capacity.
Samantala, pinayagan na rin na makapagtinda ang mga vendor sa paligid ng simbahan.
Matatandaang halos buong buwan ng Enero ay sarado ang simbahan dahil sa panibagong surge na dala ng Omicron variant.
Facebook Comments