EJ Obiena, umatras na sa Init Indoor Meeting sa Germany

Umatras na si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa pagsali sa Init Indoor Meeting sa Germany.

Ayon sa kaniyang advisor na si Jim Lafferty, nagdesisyon si Obiena at coach nito na si Vitaly Petrov na hindi lumahok sa nasabing torneo.

Wala aniyang problem sa kalusugan ni Obiena lalo na at gumaling na ang kaniyang tuhod mula ng operasyon.


Aniya, tanging ang kawalan ng oras ng paghahanda ang nagtulak sa kanila na umatras na lamang.

Sa kaniyang social media, humingi naman ng paumanhin si Obiena sa kaniyang fans.

Inaasahang sa Pebrero na muling sasabak sa torneo si Obiena na gaganapin sa Berlin.

Facebook Comments