Mula kaninang alas dose ng hatinggabi ay muli ng binuksan sa publiko ang Quirino bridge makaraan matapos ang ginawang laser scanning superstructure sa loob ng tatlong araw. Naging miserable ang tatlong araw ng mga motorista papasok at papalabas ng lungsod bunsod ng matinding traffic na naranasan dahil iisa lang ang daanan kundi ang Delta bridge at almonte extension. Ayon kay Kusain Arap, ang chief for operation ng Traffic Management Center, nagkaroon na sila ng ideya sa ngayon kung anu ang mga dapat gawin kung sakali ng tuluyang ayusin na ang Quirino bridge. Sinabi pa nito, na disiplina parin ang susi upang maiwasan ang pagbuhol-buhol na daloy ng trapiko sa lugar at iwasan ang pagcounter-flow..
Facebook Comments