Pinaghandaan na ngayon ng Cotabato City Government at Traffic Management Center ang tatlong araw na pansamanatalang pagsasara ng Quirino bridge kung saan inaasahan ang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Matampay brdige 2 dahil iisa na lang ang daanan papasok at papalabas ng lungsod. Ayon kay Kusain Arap, ang deputy chief ng TMC, na nagpulong na sila kasama ang ibang sector kung anu ang gagawin upang sa araw ng lunes. Anya pagbabawalan na ang pagpaparada ng sasakyan sa kanto ng Quezon avenue patungo ng almonte extension dahil doon ipadaan ang mga maliliit na sasakyan. Yung malalaki naman ay sa dati paring daanan sa Notre Daame avenue hanggang sa De Masenod street. Maglalagay din sila ng mga TMC personnel umpisa sa lunes hanggang sa miyerkules.Magsagawa kasi ng Laser Scanning sa Qurino bridge ang Contractor na mangangasiwa sa rehabilitasyon ng nasabing tulay.
Quirino bridge tatlong araw na isasara
Facebook Comments